Tuesday, May 10, 2011

Halina, Lumapit sa Akin - Christian Song Music Score and Lyrics

Halina at Lumapit sa Akin
Titik ni: Danilo B. Isidro, SJ
Musika ni: Nemesio S. Que, SJ

Lyrics :

Kaibigan, tantuin mong
isang paglalakbay ang buhay
sangasangang landas ay may kahirapan
kung ang lungkot o panganib sa yo'y
biglaang... dumalaw...

O kung ikaw ay mapagod
sa bigat ng 'yong pasan
Panginoon ang balingan
Panginoon ang samahan

Wika Niya'y halina lumapit sa Akin
kayong mga napapagal Aking pagiginhawain
Bigat ng inyong pasanin
ay Aking pagagaangin

Halina kaibigan...
lumapit sa Akin...

Kaibigan tantuin mong
isang paglalayag ang buhay
maalon ang dagat at may kalaliman
kung may unos at may hanging 'di mo
kayang labanan...

O sa gabing kadiliman
ni tala ay walang tanglaw.
Panginoon ang balingan
Panginoon ang samahan!

Wika Niya'y halina lumapit sa Akin
kayong mga napapagal Aking pagiginhawain
Bigat ng inyong pasanin
ay Aking pagagaangin

Halina kaibigan...
lumapit sa Akin...

Halina, Lumapit Sa Akin - Choral Arrangement Music Score

1 comment:

  1. Thanks for sharing this :) God Bless.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...