Thursday, May 5, 2011

Buhay Ko'y Isang Iglap Lang - Christian Song Music Score, Chords and Lyrics

Buhay Ko'y Isang Iglap Lang
Musika ni: Fr. E.P. Hontiveros, SJ
Hango sa tulang Rein Que Pour Aujourd'hui ni Sta. Teresita de Jesus
Lyrics

Chorus:
Buhay ko'y isang iglap lang na saglit na dumaraan,
Buhay ko ay isang araw na dagling napaparam.
At batid Mo, o Diyos ko, ang mahalin Ka sa mundo.
Tanging ngayon, tanging ngayon mayro'n ako.

I
Halina, Panginoon sa kalul'wa kong uhaw,
Manatili't hayaang ang 'Yong ngiti'y sumilay
tanging ngayon lang
(Rep. Chorus)
II
Kung ang mabanaag man ay pawang kadiliman,
Di kayang ipagdasal aking kinabukasan
bagkus ngayon lang.
(Rep. Chorus)

Chorus 2:
At sa aking pagtawid sa maalong dagat nitong aking buhay,
Iabot Mo ang kamay, at sa puso'y igawad, kapayapaang hangad.
Kung ang ngayon ay di na magwawakas.
Di na magwawakas.

Buhay Ko'y Isang Iglap Lang - Christian Song Music Score, Chords and Lyrics Download

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...