Wednesday, April 27, 2011

Balintataw ng Diyos Christian Song Lyrics, Music Score and Chords

Balintataw ng Diyos - Christian Song Lyrics
Titik ni: F.L. Macalinao, SJ
Musika ni: E. P. Hontiveros, SJ

Balintataw ng Diyos tuon na sa mundo.
Kita ang nilikhang sa dusa nabuyo.
Dagling pagpapasya, nagpulong ang tatlo
"Ating ililigtas sa sala ng mundo.

Koro:
Basahin ang damdaming nasa mata ng Diyos:
Espiritu Santo, Hesus at Poong Ama.
Paano ang loobin sadyang matatalos
Kung 'di tititigan kanilang mga mata.

Iba't-ibang mukha, kilos, gayak, gawi,
Sa sari-saring balat sa lupa na nagapi;
Puti, itim, dilaw, kulay kayumanggi,
Iniibig ng Diyos, paglaya ang mithi.
(Koro)

Payapa ang ilan, may nakikidigma;
Mayro'ng natutuwa, mayro'ng nalulumbay;
Sanggol 'sinisilang, Iba'y namamatay,
Mga bansang bulag, ang Diyos ang gagabay.
(Koro)

Balintataw ng Diyos - Christian Song Lyrics, Music Score and Chords

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...